^

Bansa

Storm signal itinaas na sa bagyong Betty

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Storm signal itinaas na sa bagyong Betty
Sa 5 pm update ng PAGASA kahapon, ang sentro ni Betty ay namataan sa layong 1,035 kilometro silangan ng Central Luzon taglay ang lakas ng hangin  na umaabot sa 185 km bawat oras at pagbugso na umaabot sa 230 km bawat oras.
PAGASA

MANILA, Philippines — Magdadala ng malakas na hangin at mga pag-ulan ang Super Typhoon Betty sa maraming lugar sa Luzon mula Lunes hanggang Miyerkules na “crucial days” ng bagyo.

Sa 5 pm update ng PAGASA kahapon, ang sentro ni Betty ay namataan sa layong 1,035 kilometro silangan ng Central Luzon taglay ang lakas ng hangin  na umaabot sa 185  km bawat oras at pagbugso na umaabot sa 230 km bawat oras.

Dulot nito, nakataas ang signal no. 1 sa Batanes, Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, Isabela, Apayao, Ilocos Norte, northern at central portions ng Abra, Kalinga, Eastern at central portions ng Mountain Province, eastern at central portions ng Ifugao, northern at central portions ng Aurora, Quirino at northeastern portion ng Nueva Vizcaya.

Ang naturang mga lugar ay makakaranas ng malalakas na hampas ng hangin.

Mananatiling super typhoon si Betty ngayong Linggo.

Sa mga lugar na hindi direktang apektado ng bagyo, maapektuhan naman ng habagat ang western sections ng MIMAROPA, Visayas, at Mindanao.

Sa Lunes at Martes ay apektado rin ng habagat ang western sections ng Mimaropa at Western Visayas gayundin ang nalalabing bahagi ng Mimaropa at Western Visayas kaya’t makakaranas din dito ng mga pag-uulan at pagbaha.

Sa Lunes, ang bagyo ay kikilos pahilagang kanluran at hihina habang nasa may katubigan ng silangan ng Extreme Northern Luzon.

Sa Martes at Miyerkules ay magiging stationary si Betty habang papalapit sa Batanes.

Dahil kay Betty, ang Marine Gale Warning naman ay nakataas sa northern at eastern seaboards ng Northern Luzon, eastern seaboards ng Central at Southern Luzon gayundin sa eastern seaboards ng Visayas at Mindanao.

Pinapayuhan ng PAG­ASA ang mga maliliit na bangka na huwag maglalayag sa naturang mga baybayin dahil sa mala­laking alon sa karagatan.

PAGASA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with