Super Typhoon Betty pumasok na ng PAR; storm warning signal posible mamaya

Namataan ng state weather bureau ang sentro ng bagyo 1,320 kilometro silangan ng Central Luzon kaninang 4 a.m. ngayong Sabado.
RAMMB

MANILA, Philippines — Tuluyan nang nakapasok ng Philippine area of responsibility ang Super Typhoon Mawar na siyang tatawagin na ngayong bagyong "Betty," ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA.

Namataan ng state weather bureau ang sentro ng bagyo 1,320 kilometro silangan ng Central Luzon kaninang 4 a.m. ngayong Sabado.

  • Lakas ng hangin: 195 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: hanggang 240 kilometro kada oras
  • Direksyon: kanluran hilagangkanluran
  • Pagkilos: 25 kilometro kada oras

"BETTY is forecast to remain as a super typhoon over the weekend. Although it will likely maintain its strength for the next 36-48 hours, short-term intensification is not ruled out especially in the next 12 to 24 hours," wika ng PAGASA kanina.

"However, this tropical cyclone may begin weakening considerably on Monday or Tuesday during its slowdown period over the waters east of Batanes due to potential unfavorable conditions."

Nakikitang kikilos ang bagyo pakanluran hilagangkanluran at posibleng halos hindi gumalaw pagsapit ng Martes at Miyerkules, panahon kung kailan pinakamalapit ito sa Batanes (sa pagitan ng 250 hanggang 300 kilometro).

'Storm warning signal mamayang gabi'

Bilang paghahanda sa malalakas nahangin at gale-force conditions dala ng paparating na super typhoon, posibleng magtaas ng Tropical Cyclone Wind Signal sa ilang lugar sa Hilagang Luzon lalo na sa hilagang bahagi nito ngayong gabo o Linggo ng umaga.

Nakikitang aabot sa 50-100 mm ang forecast accumulated rainfall mula Lunes ng umaga hanggang Martes sa mga sumusunod na lugar: 

  • Batanes
  • Babuyan Islands
  • hilagang bahagi ng mainland Cagayan
  • Ilocos Norte
  • Apayao

"In areas that will not be directly affected by the super typhoon, monsoon rains from the enhanced Southwest Monsoon are possible over the western sections of MIMAROPA, Visayas, and Mindanao tomorrow. On Monday and Tuesday, monsoon rains are likely over the western sections of MIMAROPA and Western Visayas, and possible over the rest of MIMAROPA and Western Visayas," wika pa ng PAGASA.

"Under these conditions, flooding and rain-induced landslides are likely, especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazard as identified in hazard maps and in localities that experienced considerable amounts of rainfall for the past several days."

Show comments