^

Bansa

22K pulis ide-deploy sa hagupit ng ‘super bagyo’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
22K pulis ide-deploy sa hagupit ng ‘super bagyo’
Police officers gather at the Manila Police District headquarters in UN Avenue, Manila during the flag raising and awarding ceremony on April 25, 2022.
STAR / Russell Palma

MANILA, Philippines —  Inalerto ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga police regional offices na tatamaan ng bagyong Betty sa mga susunod na araw.

Ayon kay PNP Public Information Office chief BGen. Redrico Maranan, naglabas ng kautusan si PNP chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. na tiyaking magiging mabilis ang responde ng mga pulis sa mga sibilyan na maapektuhan ng bagyo.

Aabot sa 22,000 pulis ang ipakakalat upang rumesponde sa mga emergency situation.

Sa katunayan nakapre-position na rin ang kanilang kagamitan para sa pag-rescue sa mga maapektuhan ng bagyo gayundin ng mga pagbaha.

Kailangan umanong handa na ang mga kakailanganin upang mas marami ang maisalba sakaling bumuhos ang bagyo.

Nakikipag-ugnayan na rin ang  PNP sa mga local government unit para sa ginagawang paghahanda at anumang mga pangangailangan.

Sa panahon aniya ng mga kalamidad, kailangan ang tulong ng bawat isa.

Pinayuhan din nito ang mga pulis na maging maingat upang mas maayos na makapagserbisyo.

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with