Bilang ng jobless Pinoy, bumaba – SWS

Individuals queue at the quadrangle of Marikina City Hall to look for jobs on Labor Day, May 1, 2023.
STAR/Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa unang quarter ng taon.

Batay sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) mula March 26-29, 2023, nasa 19% ang adult joblessness mula sa labor force o katumbas ng 8.7 milyong Pilipino na walang trabaho noong Marso.

Mas mababa naman ito ng 2.3 puntos kumpara sa 21.3% noong Disyembre 2022 at 26% na naitala noong April 2022.

Gayunman, mas ma­taas pa rin ito kumpara sa 17.5% na joblessness noong pre-pandemic.

Ayon sa SWS, ang mga jobless adult ay kinabibilangan ng mga boluntar­yong umalis sa kanilang trabaho, mga naghahanap ng trabaho sa unang pagkakataon o nawalan ng trabaho dahil sa economic circumstances.

Kumpara naman noong Disyembre 2022, bumaba ang quarterly joblessness sa Metro Manila, Balance Luzon, at Visayas. Bumaba rin sa 11.6% mula sa 15.2% ang joblessness sa mga kalalakihan habang nananatili naman sa 30% ang joblessness sa mga kababaihan.

Show comments