Kopya ng COE sa first time jobseekers, libre na - CSC
MANILA, Philippines — Libre ng ipagkakaloob ng Civil Service Commission (CSC) ang pagkuha ng Certificate of Eligibility (COE) sa lahat ng ‘first-time jobseekers’ (FTJ).
Ayon kay CSC Chairperson Karlo Alexei Nograles, batay ito sa inaprubahan nilang CSC Resolution noong Pebrero 2023 at alinsunod na rin sa itinatakda ng Republic Act 11261 o ang First Time Jobseekers Assistance Act (FTJAA).
“Individuals who want to gain employment in the government for the first time may avail of one (1) original and one (1) authenticated copy of their COE at no cost pursuant to CSC Resolution No. 2000363,” sabi pa ng CSC chief.
“By giving free pre-employment requirements to qualified individuals, we not only expand access to government services, but we are also able to create opportunities that improve a first-time jobseekers’ access to employment,” dugtong ni Nograles.
Ang COEs ay ibinibigay sa mga indibidwal na pumasa sa Career Service Professional at Subprofessional Examination, gayundin sa qualified individuals para sa special eligibilities sa ilalim ng special laws at CSC issuances, bilang patunay na sila ay eligible sa pag-apply sa iba’t-ibang posisyon sa public sector.
Para makakuha ng libreng COE, ang isang FTJ ay kailangang Filipino citizen, aktibong naghahanap ng trabaho at may barangay certification na nagsasaad na sila ay una palang nag-a-apply ng trabaho.
- Latest