MANILA, Philippines — Nagkasundo ang Climate Change Commission (CCC) at Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI) sa layuning hikayatin ang publiko ng pamamahagi ng impormasyon upang labanan ang masamang epekto ng Climate Change sa bansa.
Nabatid na nagpirmahan ng Memorandum of Agreement (MOA) sina CCC Commissioner Albert dela Cruz at KSMBPI Chairman Dr. Michael Raymond Aragon, na malutas ang climate change sa pamamagitan ng information dessimination gamit ang online platforms.
Hindi anya dapat na ipagwalang bahala ang climate change dahil hindi lamang mga Filipino ang maapektuhan kundi maging ang buong mundo.
Bagama’t wala pang 1 porsiyento ang kontribusiyon ng Pilipinas sa global footprint, isa pa rin ang bansa sa mga direktang maapektuhan ng climate change.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Aragon sa pagkakataong ibinigay ng CCC na makatulong sa gobyerno sa mga adbokasiya laban sa climate change.
Ang KSMBPI ay isang non-government organization na nagsusulong ng adbokasiya tungkol sa pamamahagi ng impormasyon gamit ang social media broadcasting.