^

Bansa

Climate Change ­Commission, SocMed nagpirmahan vs epekto ng climate change

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagkasundo ang Climate Change Commission (CCC) at Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI) sa layuning hikayatin ang publiko ng pamamahagi ng impormasyon upang labanan ang masamang epekto ng Climate Change sa bansa.

Nabatid na nagpirmahan ng Memorandum of Agreement (MOA) sina  CCC Commissioner Albert dela Cruz at KSMBPI Chairman Dr. Michael Raymond Aragon, na malutas ang climate change sa pamamagitan ng information dessimination gamit ang online platforms.

Hindi anya dapat na ipagwalang bahala ang climate change dahil hindi lamang mga Filipino ang maapektuhan kundi maging ang buong mundo.

Bagama’t wala pang 1 porsiyento ang kontribusiyon ng Pilipinas sa global footprint, isa pa rin ang bansa sa mga direktang maapektuhan ng climate change.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Aragon sa pagkakataong ibinigay ng CCC na makatulong sa gobyerno sa mga adbokasiya laban sa climate change.

Ang KSMBPI ay isang non-government organization na nagsusulong ng adbokasiya tungkol sa pamamahagi ng impormasyon gamit ang social media broadcasting.

CCC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with