^

Bansa

7 parak sa P6.7 bilyong shabu ‘cover-up’ pina-contempt ng Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
7 parak sa P6.7 bilyong shabu âcover-upâ pina-contempt ng Senado
Ineskortan ng mga tauhan ng Office of the Sergeant-at-Arms ang mga PNP officers matapos ipa-contempt ng mga senador dahil sa hindi umano pakikipagtulungan sa imbestigasyon ng P6.7 billion shabu ‘cover-up’ noong October 2022.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Pina-contempt ng Senate committee on public order and dangerous drugs ang pitong pulis na pinaniniwalaang bahagi ng “cover-up” sa P6.7 bilyong shabu na nakum­piska sa isang raid sa Maynila noong nakaraang taon.

Kabilang sa mga ikinulong sa Senado sina Police Master Sgt. Rodolfo Mayo Jr. at ang kanyang superior na si National Capital Region (NCR) Drug Enforcement (DEG) officer-in-charge Lt. Col. Arnulfo Ibañez.

Gayundin sina Police Master Sgt. Carlo Bayeta, Patrolman Hasan Kalaw, Patrolman Dennis Carolina, Patrolman Rommar Bugarin at Patrolman Hustin Peter Gular.

Ang lima ay na-cite in contempt ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, chair ng komite, matapos nilang iginit na hindi sila bahagi ng grupo na nakahuli kay Mayo sa kabila ng kumpirmasyon ni Police Capt. Jonathan Sosongco, ang pinuno ng arresting team.

Iginiit ng limang pulis na hindi si Mayo ang kanilang i­naresto kundi si Ney Atadero, ang preso at ang kasabwat nito.

Si Atadero ay unang nadakip sa WPD Lending Company. Si Mayo naman ay inaresto sa Bambang, sa Tondo sa follow up operation na nagresulta sa pagkadiskubre ng 990 kilo ng shabu.

Iginiit naman ng mga pulis ang kanilang karapatan na manahimik nang gisahin ni Dela Rosa.

Dahil dito, nainis at napamura si Sen. Jinggoy Estrada nang paulit-ulit na sinabi ng mga pulis ang kanilang ‘right against self-incrimination’ nang tanungin kung sila ay nakatanggap ng tawag o mensahe mula kay Sosongco para sa operasyon.

Pinabulaanan naman ni Ibañez na mayroon siyang alam sa aktibidad ng kanyang mga tauhan.

DRUGS

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with