Kulang na bonus ng mga pulis iniimbestigahan ng PNP

Sinabi ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na makikipag-coordinate ang PNP sa Department of Interior and Local Government (DILG) at sa iba pang mga tanggapan  upang alamin kung may katotohanan ang isyu at bakit hindi kumpleto ang ibinigay na SRI.
File photo

MANILA, Philippines — Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang isyu sa umano’y kulang na bonus o service recognition incentive (SRI) bonus na natanggap ng ilang mga pulis.

Sinabi ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na makikipag-coordinate ang PNP sa Department of Interior and Local Government (DILG) at sa iba pang mga tanggapan  upang alamin kung may katotohanan ang isyu at bakit hindi kumpleto ang ibinigay na SRI.

Pupulungin din aniya ng PNP Chief ang kanyang Command Group kasama ang mga opisyal ng DILG para pakinggan ang paliwanag ng mga kinauukulang opisyal.

Ani Acorda,  dapat makuha ng mga pulis ang nararapat na bonus o SRI dahil bahagi ito ng kanilang pagseserbisyo.

Sinasabing maraming pulis ang nagulat nang P4,000 lamang ang kanilang natanggap na SRI sa halip na P20,000.

Babala ni Acorda, sakaling mapatuna­yan ang mga reklamo kailangang papanagutin ang responsable rito.

Matatandaang ina­prubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamamagitan ng Administrative Order (AO) No. 1 noong Disyembre 2022 ang pagpapalabas ng P20,000 SRI bonus sa mga kwalipikadong tauhan ng Executive Department, kasama ang PNP.

Show comments