P21.2-M jackpot sa SuperLotto 6/49 solong kinubra ng mananaya mula Zamboanga City

Litrato ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Melquiades Robes habang inaabot ang tsekeng nagkakahalaga ng P21,215,267 sa swerteng nanalo sa SuperLotto 6/49
Released/Philippine Charity Sweepstakes Office

MANILA, Philippines — Multi-millionaire na ang isang lalaki mula sa Mindanao matapos tamaan ang P21.21 milyong jackpot prize ng SuperLotto 6/49 noon pang Abril, perang produkto ng kanyang 28 taong matiyagang pagtaya sa lotto.

Sa ulat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Martes, sinabing isang residente mula sa Zamboanga City ang nanalo ng P21,215,267 papremyo matapos tamaan ang winning combination na 48-10-12-28-34-05.

"Having played the lotto since it began in 1995, the new millionaire expressed joy and disbelief upon learning that he had finally won the jackpot," sabi ng PCSO kanina.

"The lucky bettor, who picked the winning combination 48-10-12-28-34-05, claimed his winnings at the PCSO Main Office on May 2."

"He said he intends to use the money to invest in his family’s future."

Sa kabila nito, hindi makukuha ng dalawa nang buong-buo ang P21,215,267 papremyo. Bubuwisan pa kasi ito bago nila paghatian, alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law. Sakop ng 20% final tax ang mga lotto winnings na lagpas P10,000 ang halaga.

Sa ilalim ng PCSO charter, kinakailangang makuha ang pera isang taon matapos ang pagbola ng mga numero. Ang mga premyong hindi makukubra sa panahong ito ay kailangang isuko papunta sa Charity Fund.

"The PCSO encourages everyone to play the lotto and purchase tickets only from authorized PCSO outlets. The proceeds will fund the various charity programs, medical assistance, and health care services of the PCSO," sabi pa ng ahensya.

Dalawa paghahatian P29.7-M jackpot

Samantala, Lunes lang nang makuha ng dalawang mananaya ang sumusunod na lucky numbers 28-32-12-09-18-50 dahilan para paghatian nila ang P29,700,0000 jackpot ng Grand Lotto 6/55.

"Two (2) Winning Tickets were bought in Bacoor, Cavite and Iloilo City, Iloilo," wika ng PCSO sa isang paskil sa Facebook ngayong araw.

 

 

Show comments