Marcos Jr.: Magtipid ng tubig, kuryente

Sa vlog ni Ferdinand Marcos Jr. na may titulo na “Ang Init” na inilabas noong Sabado ng gabi, sinabi niya na ang mainit na panahon sa bansa ay mas mataas ang demand sa paggamit ng kuryente na higit pa sa supply nito.
STAR / File

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Filipino na magtipid sa paggamit ng tubig at kuryente bilang pagha­handa ng bansa sa El Niño.

Sa vlog ni Marcos na may titulo na “Ang Init” na inilabas noong Sabado ng gabi, sinabi niya na ang mainit na panahon sa bansa ay mas mataas ang demand sa paggamit ng kuryente na higit pa sa supply nito.

Subalit nabawasan umano ng 35% ang pag-ulan kaya naapektuhan ang hydroelectric power plants, dams at irigasyon.

Dahil dito kaya inatasan umano ng Pangulo ang Department of Interior and Local Government (DILG) na paratingin sa mga local government unit ang kampanya para mabawasan ang impact ng El Niño tulad ng pagtitipid ng tubig sa bahay.

Gayundin sa mga car wash, sa mga pagdidilig ng golf course at pagre-refill ng mga swimming pool.

Ang nasabing mga hakbang umano ay makakatulong sa pagpapanatili ng supply at mahalaga ang partisipasyon ng bawat isa.

Ito’y habang pinaghahandaan din ng gobyerno ang paparating na La Niña o matinding tag-ulan na may dala ring mga suliranin.

Patuloy naman uma­no ang gobyerno sa pag­hanap ng paraan para mabawasan ang impact ng tumataas na temperatura sa buong bansa sa pamamagitan ng pagpapalawig ng lisensya ng Malampaya facility hanggang 2039.

Show comments