PMA topnotcher, nagbigay pugay sa 2 ‘mistah’ na nasawi
MANILA, Philippines — Hindi nakalimutan ni Cadet Warren Leonor, ang Philippine Military Academy (PMA) ”Madasigon” class valedictorian na magbigay pugay at parangal sa dalawa nilang “mistah” na nasawi.
Sa valedictory address, binanggit ni Leonor sina Darwin Dormitorio at Mario Telan Jr., na kanyang nakasama noong freshmen o plebo pa lamang sila.
Ayon kay Leonor, ang pagkamatay ng dalawa nilang mistah ay sumubok sa kanilang klase at hindi umano nila malilimutan ang maikli at masaya nilang samahan sa panahon ng Covid-19 pandemic.
“You will forever be a cherished part of the Madasigon Class of 2023,” ani Leonor.
Matatandaang si Dormitorio ay nasawi noong September 2019 dahil sa hazing.
Dahil dito, dalawang PMA cadets at tatlong doktor mula sa academy ang sinampahan ng kaso.
Nakita namang patay si Telan sa PMA pool kasunod ng isang swimming class at batay sa ulat ng PNP nalunod ang biktima.
- Latest