^

Bansa

Kalidad ng tubig sa Laguna Lake, bumababa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Kalidad ng tubig sa Laguna Lake, bumababa
Sa Saturday News Forum sa Quezon City, sinabi ni MWSS Deputy Administrator Jose Dorado Jr. na ang southern part ng NCR, na sinusuplayan ng Laguna Lake, ay nagkakaroon ng mga isyu sa kanilang suplay ng tubig dahil sa problema sa kalidad nito.
STAR / Bum Tenorio Jr.

Water supply sa NCR apektado

MANILA, Philippines — Kinuha ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang serbisyo ng kanilang Singaporean counterpart upang tugunan ang bumababang kalidad ng tubig sa Laguna Lake, na maaaring magresulta sa pagbabawas ng suplay ng malinis na tubig sa National Capital Region (NCR).

Sa Saturday News Forum sa Quezon City, sinabi ni MWSS Deputy Administrator Jose Dorado Jr. na ang southern part ng NCR, na sinusuplayan ng Laguna Lake, ay nagkakaroon ng mga isyu sa kanilang suplay ng tubig dahil sa problema sa kalidad nito.

Ayon naman kay MWSS Division Manager Patrick Dizon, ang dumaraming presensiya ng lumot sa lawa ay bumabara sa water treatment facilities na nagsusuplay sa mga lungsod ng Muntinlupa, Las Piñas, Parañaque, at Taguig.

Sinabi ni Dizon na makikipag-ugnayan na ang MWSS sa Public Utilities Board ng Singapore, na siyang counterpart ng MWSS upang magtungo ang mga ito sa Maynila sa susunod na linggo at magsagawa ng assessment sa planta ng Maynilad sa Putatan.

“Hihingi kami ng guidance kung anong correct na technology ang gagamitin based sa quality ng water,” ani Dizon. “They are third-party experts from Singapore.”

Nagtatayo na rin naman aniya sila ng mga karagdagang water treatment plants sa Laguna Lake upang magkaroon ng iba pang pagkukunan ng potable water.

Una nang nagbabala ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) laban sa pagtaas ng presensiya ng lumot sa Laguna Lake dahil sa El Niño phenomenon.

Nabatid na ang Laguna Lake ang nagsusuplay ng 9% ng water requirement sa NCR.

MWSS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with