MANILA, Philippines — Hindi muna makatatanggap ng midyear bonus ang mga pulis na may kaso, ayon kay PNP-Public Information Office (PIO) Chief Brig. Gen. Red Maranan.
Ayon kay Maranan, walang mid-year bonus ang mga pulis na may kinakaharap na mga kaso at mga nagsisilbi ng parusa bilang bahagi ng disciplinary policy ng PNP.
Nasa P7.54 bilyon ang inilaan ng PNP para sa mid-year bonus ng 227,832 active duty PNP personnel na katumbas ng kanilang isang buwang sahod.
Sinabi ni PNP Finance Service Director Police BGen. Bowenn Joey Masauding na nagsimula na kahapon ang pamamahagi ng midyear bonus ng mga pulis na papasok sa kanilang mga Landbank payroll account.
Umaasa si Acorda na ang pag-release ng mid-year bonus ng mga pulis ay makatutulong sa kanila para ipagpatuloy ang marangal na pagseserbisyo sa bayan.