Libreng palibing, burol sa maralita aprub sa House

Closeup shot of a person hand on a casket with a blurred background.
Image by wirestock on Freepik

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng House panel ang panukalang magbibigay ng libre at may diskuwentong palibing, burol at iba pang funeral services para sa mga namatayang mahihirap na pamilya.

Ang “Funeral Assistance for Indigent and Extremely Poor Families Act” na isinusulong at isa sa mga prayoridad ni Tutok to Win Partylist Rep. Sam Verzosa ay pinagtibay ng House Committee on Poverty Alleviation.

Sa ilalim ng panukala, maaaring mag-avail ng free funeral services ang mga extremely poor families o ‘yung mga nabubuhay na mas mababa sa poverty threshold na base sa National Economic and Development Authority (NEDA).

Samantala meron namang 50% discount sa funeral services ang mga mahihirap na pamilya.

Base sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA), may 613,936 re­gistered deaths sa Pilipinas noong 2020. Ibig sabihin nito may 1,677 Pilipino ang namamatay araw-araw o 70 bawat oras.

Ayon din sa data ng PSA noong 2021, 18.1% ng mga Pilipino ang mahirap o nabubuhay lamang sa hindi tataas ng ?12,030 kada buwan para sa pamilya ng lima.

“Kung 18 percent nito, ay mga pamilya na nabubuhay below the poverty line, ibig sabihin may estimated na more or less 318 Filipinos na namamatay araw-araw na most likely ay may iniwang pamilya na mahihirap, o kulang ang pambili ng kabaong at pambayad sa burol at libing. Ito na ‘yung tulong na kailangang-kailangan ng mga kababayan natin at masaya po tayo na naaprubahan na ito ng committee,” anang solon.

 

 

Show comments