^

Bansa

'DoubleSafe Face ID' sandata ng GCash sa online scammers

Philstar.com
'DoubleSafe Face ID' sandata ng GCash sa online scammers
Bukod sa security feature na ito, ang GCash ay nagsagawa na rin ng maraming aksiyon para malabanan ang fraud.
BusinessWorld/File photo

MANILA, Philippines — Inilitag ng GCash ang “DoubleSafe” Face ID security feature nito sa 100% ng kanilang fully verified users hanggang May 10, 2023, para maharang ang fraudsters sa paggamit sa accounts ng kanilang mga user.

Ang “DoubleSafe” ay gumagamit ng industry-first face recognition technology upang matiyak na ang taong nag-a-access ng isang account ay ang nakarehistro sa GCash. Nangangahulugan ito na kahit aksidenteng maibigay ng users ang kanilang mobile personal identification number (MPIN) at one-time pin (OTP), ang kanilang account ay hindi pa rin ma-a-access mula sa bagong device na hindi ini-scan ang mukha ng may-ari.

“The face recognition feature is built within the app and doesn’t require mobile phones with high-end features. We made sure all our verified user base will have access to this security feature as we notice the prevalence of phishing attempts outside the app,” sabi ni Pebbles Sy, chief technology and operations officer  ng GCash.

“DoubleSafe will further protect our customer’s accounts and hard-earned money.”

Bukod sa security feature na ito, ang GCash ay nagsagawa na rin ng maraming aksiyon para malabanan ang fraud.

“From January 2022 to April 2023, GCash has already blocked 3.1 million accounts that have been tagged as fraudulent. We have also taken down 722 phishing sites and 38,000 malicious social media posts and accounts from January 2022 to April 2023,” paliwanag ni Sy.

Gayundin, sa unang linggo pa lamang ng Mayo ay nakaharang na ang GCash ng 23,000 accounts na lumabag sa parameters sa ilalim ng Anti-Money Laundering and Terrorist Financing Act. Nangangahulugan ito na minomonitor ng e-wallet ang mga transaksiyon sa naturang  accounts na lumalabag sa AMLA.

Aktibong tinutugis ng GCash ang mga fraudsters sa pakikipagtulungan sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group, National Bureau of Investigation, at sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center.

Tuloy-tuloy na pinalalakas ng GCash ang kampanya nito kontra fraudulent activities na may #GSafeTayo sa pamamagitan ng pag-educate sa mga user nito kung paano naisasagawa ang scams at kung paano ito maiiwasan.

Kailanman ay hindi magpapadala ang GCash ng personal messages para tugunan ang mga concerns o hingin ang personal information, lalo na ang MPIN at OTP. Pinaaalalahanan nito ang mga user na mag-ingat sa phishing schemes sa anyong pekeng websites at kaduda-dudang online games. Hinihikayat nito ang mga customer na makipagtransaksiyon lamang sa app.

Para mag-report ng scams at fraudulent activities, bumisita sa official GCash Help Center sa help.gcash.com/hc/en-us o mag-message kay Gigi sa website at i-type, “I want to report a scam.”

Maaari ring tumawag ang mga customer sa official GCash hotline 2882 para sa mga katanungan at concerns.

GCASH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with