^

Bansa

DA aangkat uli ng sibuyas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
DA aangkat uli ng sibuyas
Nagdiskarga ng mga puti at pulang sibuyas ang mga porter para dalhin sa pamilihan sa Binondo, Manila habang nag-aayos ng mga stock ng asukal ang isang lalaki sa warehouse sa Marikina public market.
Ernie Peñaredondo Michael Varcas

MANILA, Philippines — Posibleng mag-angkat muli ang bansa ng hanggang 22,000 metriko toneladang pula at puting sibuyas kung patuloy pa ring sisipa ang presyo nito sa merkado.

Ito ang inihayag ni DA Deputy Spox Asec. Rex Estoperez na isa sa mga natalakay sa ginanap na pulong ng kagawaran sa mga stakeholder kaugnay sa tumataas na namang presyo ng sibuyas.

Ayon kay Asec. Estoperez, ibinase sa monthly consumption ng bansa ang naturang volume.

Kaugnay nito ay tinitignan din ang gov’t-to-gov’t contract sa importasyon nang hindi makontrol ng mga pribadong trader ang suplay at presyuhan ng sibuyas.

Umaasa ang DA na sa pamamagitan nito ay mapababa ang bentahan ng sibuyas sa P70-P80 kada kilo kumpara sa kasalukuyang presyuhan sa mga pamilihan sa Metro Manila na naglalaro na sa P180-P200 ang kada kilo.

Bukod dito, isa pa sa pinaplano ng DA ang paigtingin ang ugnayan sa Metro Manila mayors para naman masolusyunan ang problema sa mga trader na nang-iipit sa suplay ng lokal na sibuyas sa mga cold storage facility.

Kung kinakailangan, pinag-iisipan din ng DA ang magpataw ng SRP sa sibuyas para hindi na sumipa pa ang presyo nito.

DA

ONION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with