^

Bansa

Unang batch ng Bivalent vaccines darating na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Unang batch ng Bivalent vaccines darating na
Residents of Marikina City line up for a booster shot at the Marikina Sports Complex on January 3, 2022.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Darating na sa bansa sa susunod na linggo ang unang batch ng delivery ng COVID-19 Bivalent vaccines base sa pangako ng donor country.

“These Bivalent vaccines, which is around 391,000 doses, will be arriving hopefully by next week already,” anunsyo ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

Ang Bivalent vaccines ay ‘modified’ na bakuna na tinatarget ang mga naglalabasan ngayon na mga Omicron variants at subvariants nito, maging ang orihinal na uri ng COVID virus.

Nakikipag-usap na rin ang DOH sa COVAX Faci­lity, para sa inaasahang 2 milyong doses ng Bivalent vaccine na donasyon ng mga miyembrong bansa ng United Nations.

Naantala at suspendido ang delivery ng mga bakuna mula sa COVAX Facility makaraang magtapos ang deklarasyon ng state of calamity for COVID-19 sa bansa noong Disyembre 31.

Ikinatwiran ni Vergeire na noon pang Agosto 2022 nag-umpisa ang kanilang negosasyon sa mga manufacturers at ang hindi pagpapalawig sa state-of-calamity ang siyang dahilan.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with