MANILA, Philippines — Nakatakdang paliparin sa kalawakan ang kauna-unahang high-power hybrid rocket na ginawa sa Pilipinas.
Sa pahayag ng Philippine Space Agency (PhilSA), masasaksihan ang launching ng TALA Hybrid Rocket sa Crow Valley sa Capaz, Tarlac sa pagitan ng May 19 at 21.
Nilikha ito ng mga space technology researchers, mga estudyante, at kanilang mga propesor mula sa St. Cecilia’s College-Cebu.
Ilan sa mga taglay nitong high tech features ay ang flight sensors, GPS, dual parachute, at payload system na kayang magdala ng mga can satelite hanggang five kilometer sa atmosphere.
Kapag naipadala sa kalawakan, gagamitin ang can satelight sa pangangalap ng environmental data sa bansa na makakatulong sa mga siyentipiko.
Naunang nakaplano ang launching ng TALA Hybrid Rocket noong March 2020 sa Mati City Airport, Davao Oriental subalit hindi natuloy dahil sa pandemya.
Noong 2022, nagtulong-tulong ang PhilSA, TALA Team at Philippine Air Force Research and Development Center para sa muling pagpapalipad ng naturang rocket.