^

Bansa

Halos 60K Pinoy nagbenepisyo sa P400 milyong medical assistance - PCSO

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Halos 60K Pinoy nagbenepisyo sa P400 milyong medical assistance - PCSO
“Nasa 60,779 kaba­bayan natin ang natulu­ngan sa kanilang gastu­sing pang-medikal, na uma­bot sa P410,427,957.55 na inilabas ng PCSO sa pamamagitan ng Medical Access Program,” ani PCSO Chairman Junie E. Cua.
STAR / File

MANILA, Philippines — Ibinahagi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na hindi bababa sa 60,000 Pilipino ang nakinabang sa mahigit P400 milyon na inilabas ng ahensya sa tulong medikal sa unang quarter ng 2023.

“Nasa 60,779 kaba­bayan natin ang natulu­ngan sa kanilang gastu­sing pang-medikal, na uma­bot sa P410,427,957.55 na inilabas ng PCSO sa pamamagitan ng Medical Access Program,” ani PCSO Chairman Junie E. Cua.

“Asahan po ninyo na tuluy-tuloy lang ang PCSO sa adhikain nitong matulungan ang sambayanang Pilipino. Paiigtingin pa natin ang serbisyo para mas marami pang kababayan natin ang makinabang,” dagdag pa ni Cua.

Ayon sa PCSO, ang Medical Access Program (MAP) ay sumasaklaw sa iba’t ibang mga request para sa fund augmentation para sa mga medical concerns tulad ng confinement, dialysis injection, paggamot sa kanser, hemodialysis, laboratoryo, diagnostic, at mga ima­ging procedures, gayundin sa implant at mga medikal na kagamitan, atbp.

Anila, ang MAP ay kinuha mula sa Charity Fund na binubuo ng 30 porsiyento ng mga net receipt, at eksklusibong ginagamit upang pondohan at suportahan ang mga programang pangkalusugan, tulong medikal, mga serbisyo, at mga kawang­gawa na may national character.

Ang PCSO ay kumakalap ng mga pondo sa pamamagitan ng mga sweepstakes, karera ng kabayo, lottery at mga kahalintulad na aktibidad.

Nagpahayag si Cua ng positibong pananaw na ang ahensya ay makakapaglingkod sa mas maraming Pilipino ngayong taon at lalampas sa mga numerong naitala nito noong 2022 kung saan nakapaglabas ang PCSO ng P1,395,310,206.43 sa 210,731 benepisyaryo.

vuukle comment

MEDICAL

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with