^

Police Metro

Magtipid sa kuryente — Meralco

Angie dela Cruz - Pang-masa
Magtipid sa kuryente — Meralco
Ayon sa Meralco, kasama sa mga pwedeng gawin ng mga komokunsumo ng kuryente ang pag­tanggal sa saksakan ng appliances kapag hindi gina­­gamit, paggamit ng LED bulb sa mga pailaw, maramihang pamamalantsa ng mga damit sa halip na paisa-isa; at regular na paglinis ng air conditioner filters.
STAR / File

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Manila Electric Company (Meralco) ang kanilang mga kustomer na magtipid sa pagggamit ng kuryente. Ito’y matapos nilang ianunsyo kamakalawa ang halos 18 centavos per kilowatthour na dagdag sa singil sa kur­yente ngayong buwan ng Mayo.

Ayon sa Meralco, kasama sa mga pwedeng gawin ng mga komokunsumo ng kuryente ang pag­tanggal sa saksakan ng appliances kapag hindi gina­­gamit, paggamit ng LED bulb sa mga pailaw, maramihang pamamalantsa ng mga damit sa halip na paisa-isa; at regular na paglinis ng air conditioner filters.

Pinayuhan din ng Meralco ang kanilang mga kustomer na gumamit ng Meralco mobile app appliance calculator para ma-control ang gamit nila ng kuryente at malaman ang laki ng kanilang konsumo sa appliances at gadgets.

Nabatid na tumaas ang presyo ng kuryente ngayong Mayo dahil sa pag­mahal ng kuryente sa wholesale electricity spot market (WESM) at sa iba pang supplier.

MERALCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with