MANILA, Philippines — Tatlo pang kaso ng Omicron subvariant XBB.1.16 o Arcturus ang naidagdag na naitala sa bansa, kaya umabot na sa apat ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso nito.
Batay sa pinakahuling COVID-19 biosurveillance report ng DOH mula Abril 26-Mayo 6, ang tatlong naiulat na kaso ng Arcturus ay naitala sa Rehiyon 6.
Nauna nang sinabi ng DOH na ang unang naitalang kaso ng Arcturus—isang variant sa ilalim ng monitoring ng World Health Organization (WHO) at European Center for Disease Prevention and Control (ECDC)—ang kaso ay mula sa lalawigan ng Iloilo at walang sintomas.
“Ang Arcturus variant, o XBB.1.16, ay isang sublineage ng Omicron, na may kakayahang umiwas sa immunity at sinasabing mas madaling maililipat,” naunang sinabi ng DOH.
Sa naging assesment ng WHO noong Abril 17, wala nang pagbabago sa severity ang naiulat sa bansa kung saan ang sublineage ay sinasabing nagpapalipat-lipat.
Sa isang hiwalay na pahayag, sinabi ng DOH na mataas ang posibilidad na local tansmission ang mga kaso ng Arcturus dahil wala namang maiuugnay na galing ito sa ibayong dagat o history ng exposure.
Hinimok din ng DOH ang publiko na patuloy pa rin sa pagsusuot ng face masks at mag-isolate sa magpapakita ng sintomas.