Pamilyang Pinoy na dumanas ng gutom, nabawasan - SWS
MANILA, Philippines — Nabawasan ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan
Batay sa March 2023 survey ng Social Weather Station (SWS), 9.8% na mga pamilyang Pinoy o katumbas ng 2.7 milyong katao ang nakararanas ng involuntary hunger sa nakalipas na tatlong buwan.
Higit na mas mababa ito sa 11.8% hunger rate noong Disyembre 2022 at 11.3% o 2.9 milyon noong Oktubre 2022.
Gayunman, nilinaw ng SWS na nananatili pa ring mas mataas ito kumpara sa pre-pandemic period noong 2019. Lumalabas din sa survey na pinakamaraming nakaranas ng gutom sa mga pamilya mula sa Mindanao na nasa 11.7%. Sinundan ito ng Metro Manila (10.7%), Visayas (9.7%) at Balance Luzon (8.7%).
Isinagawa ang survey mula March 26-29 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 indibidwal na may edad 18 pataas.
- Latest