400K double registrants sa Barangay, SK polls, natukoy
MANILA, Philippines — Nakatukoy ang Commission on Elections (Comelec) ng 400,000 double registrants bago sumapit ang 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre.
Sinabi ni Commission on Elections chairman George Garcia na maaari pang umakyat ito sa kalahating milyon kapag natapos na nila ang pagtanggal sa mga ‘flying voters’ sa kanilang sistema.
“As of today, those who were able to register from December 12 to January 31 this year, we were able to verify that there are at least 400,000 double or multiple registrants,” ayon kay Garcia.
Nagbabala naman si Garcia sa mga nasa likod ng naturang iligal na pagpaparehistro na pananagutin alinsunod sa batas sa oras na matukoy sila.
“We are going to expose that. We are going to make a detail as to when or where are the places where there are double or multiple registrants,” aniya.
Naniniwala si Garcia na kailangan talaga na rebisahin ang election laws para maparusahan ng mabigat ang mga flying voters. Isa na umano itong matinding problema hindi lang ng Comelec ngunit ng buong bansa.
Ayon sa opisyal, posibleng ilang maimpluwensyang indibidwal o mga politiko mismo ang nasa likod ng iligal na pagpaparehistro ng malaking bilang ng tao.
- Latest