P150 umento sa sahod, aprub na ng Senado
MANILA, Philippines — Pasado na sa Senado ang panukalang P150 across the board wage increase sa lahat ng manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa.
Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri na may akda ng Senate Bill No. 2022 o ang Across-the-board Wage Increase Act, ang nasabing panukala ay approved in principle at nakatakdang pag-usapan ng Technical Working Group (TWG) ang panukalang graduated wage increase scheme para sa MSMEs.
Inaasahan naman na ilalabas ang committee report nito sa loob ng dalawang linggo at maipapasa ang panukala bago mag-adjourn ang Kongreso sa Hunyo.
Paliwanag ni Zubiri na ang huling legislated minimun wage increase ay noon pang 1989 sa halagang P89 bago pa maipasa ang Republic Act 6727 na nagtatatag sa Regional Wage Boards.
Sa pagdinig pa ng komite, sinabi ng Senate presidente na kakayanin naman ng pinakamalaking korporasyon sa bansa na magbigay ng umento partikular ng P150 dagdag sa arawan na minimum wage o P3,000 kada buwan.
Napapanahon na anyang itaas ang minimum wage at gawan ito ng batas dahil mula ng maitatag ang Regional Wage Boards noong 1989 ay 500% lang ang itinaas ng minimum wage sa 17 rehiyon at marami ring employers ang hindi nagbibigay ng tamang sweldo sa takdang panahon gayundin ng 13th month pay.
- Latest