^

Bansa

NCR 'family living wage' nasa P1,160/araw kahit inflation rate bumaba

Philstar.com
NCR 'family living wage' nasa P1,160/araw kahit inflation rate bumaba
A market vendor arranges assorted vegetables at a market stall in Baguio City on April 24, 2023.
The STAR/Andy Zapata Jr.

MANILA, Philippines — Nasa P1,160 kada araw na sahod ang kinakailangan sa Metro Manila para mabuhay nang "disente" ang isang pamilyang lima ang miyembro (family living wage), ayon sa pag-aaral ng isang economic think tank.

Ito ang inilahad ng grupong IBON Foundation, Martes, ilang araw matapos maibalita ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng bilihin nitong Abril 2023.

"Despite declining in April, the 6.6% headline inflation continues to eat away the unchanged minimum wage," ayon sa IBON Foundation sa isang pahayag.

"Short-term solutions like removing consumption taxes and mandating wage hikes are urgently needed."

Mahigpit-kumulang kalahati ang ang family living wage na ito kumpara sa minimum wage na natatanggap ng mga nasa National Capital Region, bagay na hanggang P570. Mas mababa pa ito sa ibang rehiyon.

Sinasabing katumbas ang naturang datos sa P25,226 kada buwan para "mabuhay nang disente." Dahil sa pagbaba ng inflation, mas mababa ang family living wage ngayon kumpara noong Pebrero.

Una nang sinabi ng Philippine Statistics Authority na pangunahing nagtulak pababa sa inflation nitong Abril ang presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages: mula 9.3% noong Marso patungong 7.9% nitong Abril.

Sa kabila ng "mas mabagal" na pagtaas ng presyo ng bilihin, kinakailangan pa rin daw ang makabuluhang dagdag-sahod sa ngayon, ayon sa grupo. Tumaas daw kasi ng 28.9% ang labor productivity kada manggagawa ngunit nananatiling pareho ang sahod.

Inilabas ang mga naturang datos ilang araw matapos iulat ng Social Weather Stations na nasa 51% ng mga pamilyang Pilipino (14 milyong kabahayan) ang nagsasabing sila'y mahihirap. — James Relativo

FAMILY LIVING WAGE

IBON FOUNDATION

INFLATION

MINIMUM WAGE

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with