^

Bansa

Early voting sa senior citizens, PWDs, aprub na sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinasa na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na nagpapahintulot na makaboto ng mas maaga ang mga kuwalipikadong senior citizens, Persons with Disabilities (PWDs), abogado, at human resources for health sa panahon ng lokal at pambansang halalan sa bansa.

Sa botong 259 pabor, walang tumutol at wala ring abstention ay ganap na inaprubahan nitong Lunes ng gabi sa plenaryo ng Kamara ang House Bill (HB) 7576.

“By default, senior citizens and PWDs encounter more difficulty in the electoral process. They deserve more assistance in the language of the law and HB No.7576 provides them with this in the form of voting early and separate from the vast majority of Fi­lipinos,” pahayag ni House Speaker Martine Romualdez na pinuri ang nasabing panukalang batas.

“On the other hand, our lawyers and human resource for health perform duties of great urgency and impact on other citizens. As such, the benefit of early voting for them is both deserved and called for,” ayon pa kay Romualdez.

Kapag naisabatas ang panukala, magsasagawa ng registration ang Commission on Elections (Comelec) para sa mga senior citizen, PWD, abugado, at HR na nais na makaboto ng mas maaga.

Samantalang ang mga hindi magre-rehistro ay maaaring bumoto sa mismong araw ng halalan.

Isinasaad sa HB 7576, idinedeklara na polisiya ng estado na gawing maginhawa ang pagboto ng mga senior citizens, PWDs, mga abogado at human resources for health para magkaroon ang mga ito ng opsiyon na makaboto ng umaga kaysa itinakdang halalan.

Inaasahang maglulunsad ng malawakang information campaign ang Comelec para sa mas maagang pagboto ng mga ito.

DISABILITIES

PWDS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with