Team Kramer, ambassador ng Richeese
MANILA, Philippines — Sa pagmamahalan at suportang ipinakikita sa bawat isa, ang celebrity couple na sina Cheska at Doug Kramer, mga anak na sina Kendra, Scarlett, at Gavin ang ginawang ambassador ng Nabati company na gumagawa ng masarap na Richeese Wafers.
Ayon kay Nabati Country Manager Dr. Jessie Singson, Jr., sa pagpapalawak ng kanilang produkto tulad ng Richeese Wafers Creamy Cheeze, dinagdagan din ang flavors tulad ng Richoco, Richoco Milk Vanilla, Pink Lava, Covo Lava at Richoco Cookies and Cream na talaga namang katakam-takam na mula pa sa Indonesia.
Ani Sison, plano ng kanilang kompanya na magtayo ng mga planta dito sa Pilipinas na makapagbibigay ng trabaho sa maraming Pilipino gayundin sa mga negosyante kaya naman makikipag-ugnayan na rin sila sa Department of Trade and Industry (DTI).
Paliwanag naman ni Yazzele Abriza, Marketing Manager ng Richeese Wafers, Team Kramer ang kanilang kinuhang ambassador ng kanilang produkto dahil sa pagmamahalan at suportang ipinakikita sa bawat isa
- Latest