^

Bansa

IT contractor ng LTO pinasisilip sa Kongreso

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
IT contractor ng LTO pinasisilip sa Kongreso
Sinabi ni Ariel Lim, National Public Transport Coalition (NPTC) president, na matapos ang 14 extensions at mahigit na dalawang taong delay, hindi pa rin nabubuo ng German contractor Dermalog ang integrated system para sa LTO na siyang nakakaapekto sa pagproseso ng ilang dokumento gaya ng pagkuha ng driver’s license at renewal ng rehistro ng sasakyan.
Philstar.com/Irish Lising

Isyu sa driver’s license at plaka

MANILA, Philippines — Pinasisilip sa Senado at Kamara ang information technology (IT) contractor ng Land Transportation Office (LTO) hinggil sa mga isyung hindi pa nareresolba gaya ng driver’s license at vehicle registration.

Sinabi ni Ariel Lim, National Public Transport Coalition (NPTC) president, na matapos ang 14 extensions at mahigit na dalawang taong delay, hindi pa rin nabubuo ng German contractor Dermalog ang integrated system para sa LTO na siyang nakakaapekto sa pagproseso ng ilang dokumento gaya ng pagkuha ng driver’s license at renewal ng rehistro ng sasakyan.

Nakabayad na rin ang LTO ng 80% ng P3.4 bil­yon para sa nasabing kontrata.

Dahil sa pagkabigo ng Dermalog na sumunod sa kontrata, ay apektado nito ang pagpoproseso ng driver’s licenses at motor vehicle registrations; pag­laganap ng korupsiyon sa ahensiya, pagdami ng colorum na public transport at maging pagtaas ng kaso ng karnapping.

Ayon pa kay Lim, da­pat magpaliwanag ang Dermalog kung bakit hindi ito nakasunod sa kontrata na aayusin ng IT system sa loob ng anim na buwan, mula sa delivery date noong December 2018.

Tinututukan na umano ni LTO chief Jose Art “Jay Art” Tugade ang nasabing isyu at binabalak na magpataw ng penalty sa Dermalog o kaya ay tuluyan ng ibasura ang kontrata.

Nabatid na namana ni Tugade ang problema na ito dahil nang maupo siya noong Nobyembre 2022 ay pirmado na ang joint venture agreement noong 2018.

DRIVERS LICENSE

IT

LTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with