MANILA, Philippines — Isang malakas-lakas na 5.5 magnitude na lindol ang yumugyog sa ilang katubigan malapit sa hilagangsilangang Luzon, ayon sa ulat ng Phivolcs ngayong Huwebes.
Bandang 8:48 a.m. nang tumama ang earthquake 29 kilometro hilagangsilangan ng Maconacon, Isabela kanina na siyang "tectonic" ang pinagmulan.
Related Stories
#EarthquakePH #EarthquakeIsabela#iFelt_IsabelaEarthquake
Earthquake Information No.2
Date and Time: 04 May 2023 - 08:49 AM
Magnitude = 5.5
Depth = 031 km
Location = 17.63°N, 122.32°E - 029 km N 17° E of Maconacon (Isabela)https://t.co/IX9dyhVMxJ pic.twitter.com/OngvaFpjYX— PHIVOLCS-DOST (@phivolcs_dost) May 4, 2023
Una nang iniulat na umabot sa 5.8 magnitde ang lindol kaninang umaga ngunit agad ding pinalitan bandang 11:50 a.m. pababa.
Narito ang mga naramdamang intensities ng bagyo sa ngayon:
Intensity V (strong)
- Enrile, Peñablanca, at Tuguegarao City, CAGAYAN
Intensity IV (moderately strong)
- Balbalan, Pinukpuk, at City of Tabuk, KALINGA
- City of Batac, ILOCOS NORTE
- Maconacon, ISABELA
Intensity III (weak)
- Marcos at San Nicolas, ILOCOS NORTE
Intensity II (slightly felt)
- Bacarra, City of Laoag, at Pasuquin, ILOCOS NORTE
- Saguday, QUIRINO
Tumutukoy ang "magnitude" sa sukat ng enerhiya ng lindol mula sa focus habang ang "intensity" nnaman ay ang lakas ng lindol na nadarama o nakikita ng mga tao depende kung nasaan sila sa isang takdang panahon.
Inaasahan ang mga aftershocks o mas maliliit na pagyanig kaugnay ng lindol na ito ngunit wala pa namang inaasahang anumang pinsala mula rito ang state seismologists.
Kahit na nasa tubig ang epicenter ng lindol, wala pa ring inilalabas na tsunami alert ang Phivolcs. Tumutukoy 'yun sa biglaang pagragasa ng mga alon dulot ng isang malakas na pagyanig.
Kasalukuyang hinihingian ng media ng pagtatasa (assessment) sa sitwasyon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council patungkol sa insidente ngunit hindi pa rin tumutugon sa ngayon. — James Relativo