^

Bansa

Phivolcs: 5.5 magnitude na lindol yumanig sa katubigan malapit Isabela

Philstar.com
Phivolcs: 5.5 magnitude na lindol yumanig sa katubigan malapit Isabela
Teachers and students participate in an earthquake drill in Parañaque City, March 24, 2023.
The STAR/Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Isang malakas-lakas na 5.5 magnitude na lindol ang yumugyog sa ilang katubigan malapit sa hilagangsilangang Luzon, ayon sa ulat ng Phivolcs ngayong Huwebes.

Bandang 8:48 a.m. nang tumama ang earthquake 29 kilometro hilagangsilangan ng Maconacon, Isabela kanina na siyang "tectonic" ang pinagmulan.

Una nang iniulat na umabot sa 5.8 magnitde ang lindol kaninang umaga ngunit agad ding pinalitan bandang 11:50 a.m. pababa.

Narito ang mga naramdamang intensities ng bagyo sa ngayon:

Intensity V (strong)

  • Enrile, Peñablanca, at Tuguegarao City, CAGAYAN

Intensity IV (moderately strong)

  • Balbalan, Pinukpuk, at City of Tabuk, KALINGA
  • City of Batac, ILOCOS NORTE
  • Maconacon, ISABELA

Intensity III (weak)

  • Marcos at San Nicolas, ILOCOS NORTE

Intensity II (slightly felt)

  • Bacarra, City of Laoag, at Pasuquin, ILOCOS NORTE
  • Saguday, QUIRINO

Tumutukoy ang "magnitude" sa sukat ng enerhiya ng lindol mula sa focus habang ang "intensity" nnaman ay ang lakas ng lindol na nadarama o nakikita ng mga tao depende kung nasaan sila sa isang takdang panahon.

Inaasahan ang mga aftershocks o mas maliliit na pagyanig kaugnay ng lindol na ito ngunit wala pa namang inaasahang anumang pinsala mula rito ang state seismologists.

Kahit na nasa tubig ang epicenter ng lindol, wala pa ring inilalabas na tsunami alert ang Phivolcs. Tumutukoy 'yun sa biglaang pagragasa ng mga alon dulot ng isang malakas na pagyanig.

Kasalukuyang hinihingian ng media ng pagtatasa (assessment) sa sitwasyon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council patungkol sa insidente ngunit hindi pa rin tumutugon sa ngayon. — James Relativo

EARTHQUAKE

ISABELA

MACONACON

PHIVOLCS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with