Biden todo suporta sa Pangulong Marcos admin

Masayang nag-photo op sina US Pres. Joe Biden at First lady Dr. Jill Biden kasama sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa White House, Washington D.C. nitong Lunes.
KJ Rosales/PPA Pool

MANILA, Philippines — Inihayag ni US President Joseph Biden na magpapadala siya ng “first of its kind” presidential trade and investment mission sa Pilipinas.

Ginawa ni Biden ang pahayag kasunod ng kanyang bilateral meeting kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Washington.

Binanggit ni Biden ang matibay na partnership ng Manila at Washington na pinalalim ng milyun-milyong Filipino-Americans at communities sa buong Estados Unidos.

Nakatuon din si Biden na palakasin ang suporta ng America sa malawak na hanay ng mga isyu, kabilang ang climate change mitigation at ekonomiya.

“We’re tackling climate change, we’re accele­rating our countries’ chances… and we’re standing up for our shared democratic values and workers’ rights… and together we’re deepening our economic cooperation,” pahayag ni Biden kay Marcos.

Pinasalamatan naman ni Marcos si Biden sa tulong ng Amerika at nagpahayag ng pag-asa na mas lalakas pa ang partnership ng dalawang bansa sa gitna ng bagong ekonomiya matapos ang pandemya.

Natalakay din sa Oval Office meeting nitong Lunes ang mga isyu sa seguridad, edukasyon, at iba pang mga hakbangin bilang bahagi ng limang araw na opisyal na pagbisita ni Marcos sa Washington.

Ang mga opisyal ng gabinete ng Pilipinas kasama ang kanilang mga katapat sa US ay nagsagawa rin ng pagpupulong kina Marcos at Biden sa isang bilateral meeting sa White House.

Nauna nang nagkita sina Marcos at Biden sa sideline ng 77th Session ng United Nations General Assembly (UNGA) noong Setyembre 2022 sa New York.

Related video:

Show comments