Pinas, ‘better partner’ - Biden
MANILA, Philippines — Tahasang inihayag ni US President Joe Biden na wala siyang naiisip na ‘better partner’ kundi ang Pilipinas sa gitna ng “geopolitical challenges” nito.
Ginawa ni Biden ang pahayag sa bilateral meeting nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Oval Office sa The White House.
Ipinaalala pa ni Biden ang sinabi ni Marcos noong mag-meeting sila sa New York na dapat magpatuloy ang matibay na “alliance” ng Pilipinas at ng Amerika.
“You know, when we met in New York last year, you told me that the strong alliance has to continue… while we face the challenges of this new century. And we are facing the challenges and I can’t think of a better partner to have than you,” pahayag ni Biden.
Tiniyak ni Biden ang “ironclad” na pangako ng Amerika para depensahan ang Pilipinas.
“The United States remains ironclad in our commitment to the defense of the Philippines, including the South China Sea and we’re gonna continue the Philippines’ military modernization,” ani Biden.
Kapwa nagbigay ng katiyakan ang dalawang lider na mas palalakasin ang pagkakaibigan ng Amerika at ng Pilipinas.
Sa kanyang panig, sumang-ayon naman si Marcos na kailangang palakasin ang ugnayan ng Phl at US.
Ipinunto rin ni Marcos ang pangangailangan na maghanap ng mga paraan upang palakasin ang mga alyansa at pakikipagtulungan sa post-pandemic na ekonomiya.
Ayon sa Malacañang, nagkaroon ng talakayan ang dalawang lider sa seguridad, edukasyon, at iba pang mga isyu.
- Latest