^

Bansa

Oil spill sa Tubbataha, nagbabanta

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Oil spill sa Tubbataha, nagbabanta
A trace of oil sheen was spotted in the waters near Tubbataha Reef in Palawan.
Philippine Coast Guard

MANILA, Philippines — Naghahanda na ngayon ang Philippine Coast Guard (PCG) ng ‘contingency measure’ sa posibleng pagkakaroon ng oil spill sa bisinidad ng Tubbataha sa Palawan kung saan lumubog ang isang yate nitong nakaraang Linggo.

Ito ay makaraang maispatan ng mga tauhan ng PCG ang ‘oil sheen’ sa ibabaw ng tubig kung saan lumubog ang yate.

“We monitored oil sheen near the site where the yacht sank. That’s why our oil spill response team is already there and we are preparing in case there’s an oil spill so that we will be able to contain it right away,” ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo.

Patuloy ang pag-monitor ng PCG sa sitwasyon sa lugar na pinaglubugan ng M/Y Dream Keeper para makagawa ng kaukulang pagresponde.

Ang oil sheen ay natukoy may apat na nautical miles sa Tubbataha reef na bantog sa magaganda nitong corals, lagoons, coral islands, at napakara­ming specie ng lamang-dagat.

May lulan ang yate na 32 tao kung saan nailigtas na ang 28 sa kanila habang pinaghahanap pa ang nawawalang apat.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakaranas ng ‘squall’ o lokal na ‘thunderstorm’ o bagyo ang yate habang nasa dagat na posibleng dahilan ng paglubog nito.

OIL SPILL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with