^

Pang Movies

Nanahimik!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Nanahimik!               
Vic

Mas naging malumanay ang statement ni Vic Sotto tungkol sa mga controversy nila ngayon sa Eat Bulaga, ipinakita lang niya ang design sa kanyang jacket na may nakalagay na TVJ. Ibig sabihin, ano man ang kahinatnan ng mga usapan, hindi maaa­ring magkahiwalay ang kanilang grupo.

Ginawa niya ang makabuluhang gesture nang mag-celebrate siya ng kanyang ika-69th na birthday sa mismong programa.

Walang narinig mula kay Vic sa ibinulgar ng kanyang kapatid na 30 milyong utang ng Tape Inc. sa kanya noong nakaraang taon.

Bilang bahagi ng celebration, kinanta niya ang ilan niyang hit songs at pagkatapos kinanta kasama sina Joey at Tito ang theme song ng Eat Bulaga. Si Joey ay wala ring comment.

Pero mabuti naman at ok na si Vic noong birthday niya, bago iyon ilang araw din siyang hindi nakasipot sa kanilang show dahil kailangan daw nitong ma-isolate matapos namg mag-positive sa Covid-19. Kung iisipin mo ha, lahat ng pag-iingat ginagawa ni Vic. Imposibleng walang bakuna iyan. Noong kasagsagan ng Covid ni hindi lumalabas ng bahay iyan. Lumabas man siya sa kanilang show, Via Zoom lang lahat. Hindi mo masasabing kulang sa bitamina, pero tingnan ninyo, tinablan pa rin ng Covid.

Buti sandali lang at hindi malala.

Iyong tumama kay Vilma Santos ang tinatawag pa nilang “Long Covid”.

Magaling na ang Covid pero nagkaroon ng iba pang complications at iyon ang mahirap. Bagama’t ang kuwento nga ni Ate Vi, ang sinasabi raw ng kapatid niyang si Maritess na umuwi rito noong panahong may Covid siya, sila sa US ay hindi na pinapansin iyan, umiinom n lang daw sila ng tylenol sabi ni Ate Vi.

Sa ibang lugar nga ay hindi na kinatatakutan ang Covid, pero dito sa Pilipinas, takot na takot pa rin ang mga tao.

Sino ba kasi ang nananakot at bakit tinatakot ang mga tao?

Bagong idol na ala-Aga Muhlach, kailangang madiskubre

Hindi natin halos namamalayan, ten years old na pala ang panganay na anak ni Richard Gutierrez na si Zion. Ilang taon na lang teenager na rin iyan. At hindi malayong maging artista rin at matinee idol kagaya ng tatay at lolo niya.

Sa totoo lang kailangan natin ang isang bagong artistang kababaliwan ng fans, kung hindi papaano nga ba. Noong early 80s, pababa na rin ang kalagayan ng industriya, biglang dumating si Aga Muhlach, Parang nanlalatang kabayong nasaksakan ng stooka ang industriya, biglang uminit, biglang bumilis ang takbo. Ngayon kasi wala pang nadi-discover na ganyan eh kaya mabagal pa rin tayo.

vuukle comment

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with