^

Bansa

PAGASA: Mindanao, posibleng pinaka maapektuhan ng El Niño

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
PAGASA: Mindanao, posibleng pinaka maapektuhan ng El Niño
Ang El Niño ay isang weather phenomenon kung saan mayroong below-normal na mga pag-ulan na maaaring magresulta sa tagtuyot.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Posibleng ang Mindanao umano ang pinaka-maapektuhan ng El Niño phenomenon na nagbabadyang tumama sa bansa sa mga susunod na buwan.

Ang El Niño ay isang weather phenomenon kung saan mayroong below-normal na mga pag-ulan na maaaring magresulta sa tagtuyot.

Ayon kay Ana Liza Solis, hepe ng climate monitoring and prediction section ng state weather bureau na PAGASA, base sa historical data, ang Mindanao ay nawawalan ng mahigit 35% ng tubig sa kanilang lugar.“Base po sa mga pag-aaral, mga around 12 percent ang nawawala sa Luzon area, so depende po iyon sa timing.  Around 21 percent sa may Visayas area at mas malaki po iyong nawawalang tubig-ulan o kabawasan sa may Mindanao area,” paliwanag pa ni Solis, sa isang media briefing sa Quezon City nitong Sabado.

Dagdag pa niya, “Mas apektado sila [Mindanao] dahil sila po iyong mga tinatawag na evenly distri­buted throughout the year lang iyong tubig ng ulan at saka may short dry season lang siya kaya usually sila po iyong masamang naaapektuhan po kapag El Niño.”Nangangahulugan rin aniya ito na ang kanilang usual at dati nang mababang antas ng ulan ay lalo pang mabawasan.

Sa Visayas area naman aniya, maaaring pinakatamaan ng tagtuyot, ang mga lugar ng Cebu at Bohol.

Sinabi pa ni Solis na sa kasalukuyan ay mataas pa rin ang tiyansa na magkaroon ng tagtuyot sa bansa na nasa higit 70% at maaaring maganap ito sa loob ng dalawang buwan.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay nasa “El Niño watch” status.

EL NIñO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with