2 barko nagbanggaan sa Corregidor: 2 patay
MANILA, Philippines — Patay ang dalawang tripulante at 18 iba pa ang nailigtas sa banggaan ng isang dredger at isang chemical/oil product tanker sa karagatan ng Corregidor Island noong Biyernes.
Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), isang Chinese crew member na wala ng buhay ang narekober dakong alas- 7:30 ng umaga ng Sabado habang ang isang Pinoy na safet officer at kabilang sa 16 crew ng MV Hong Hai 189 na nailigtas ang nasawi na rin kahit naisugod pa ito sa ospital.
May tatlo pang pinaghahanap na kasamahan nila sa patuloy na search and rescue (SAR) operation.
Samantalang ang sakay ng MT Petite Soeur ay lahat naisalba at nasa mabuti nang kalagayan.
Nabatid na sangkot sa banggaan ang MV Hong Hai 189 dredger na may bandera ng Sierra Leone at ang MT Petite Soeur chemical and oil product tanker na may bandera ng Marshall Island.
Ang MV Hong Hai 189 na nagmula sa Botolan, Zambales at may sakay na 20 tripulante ay tumaob nang makabangga ang MT Petite Soeur na may sakay na 21 crew na nanggaling naman sa port of Mariveles.
Nagtulungan sa pagresponde ng BRP Capones at iba pang sasakyang pandagat kabilang ang aluminum boats at rubber boats.
Nagsasagawa rin ng aerial survey ang Coast Guard Aviation Force.
“The authorities will conduct a port state control inspection to MT Petite Soeur to hold and detain the vessel,” ayon sa PCG. — Tina Timbang
- Latest