El Niño team bubuuin ng DILG, palit sa El Niño Task Force

Ayon kay DILG Director Allan Tabel, inatasan sila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumuo ng El Niño Team para maiwasan ang current setup ng kasalukuyang El Niño task force na pinangangasiwaan ng National Economic Development Authority (NEDA). Ang El Niño Task Force ng NEDA anya ay dapat nang mabuwag sa pagbubuo ng El Niño team ng DILG.

MANILA, Philippines — Bubuo ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng team na nakasentro sa paglalatag ng mga solusyon sa El Niño phenomenon.

Ayon kay DILG Director Allan Tabel, inatasan sila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumuo ng El Niño Team para maiwasan ang current setup ng kasalukuyang El Niño task force na pinangangasiwaan ng National Economic Development Authority (NEDA). Ang El Niño Task Force ng NEDA anya ay dapat nang mabuwag sa pagbubuo ng El Niño team ng DILG.

Sinabi ni Tabel na ang NEDA, batay sa kanilang pag-uusap sa ibang opisyal ay naka-focus sa rehabilitasyon at post-impact ng El Niño.

Ani Tabel, ang El Niño team ay pangangasiwaan ng DILG kasama ang Office of Civil Defense at Department of Agriculture gayundin ng ilang experts sa enerhiya at iba pa. Ang PAGASA ang main agency ng team.

“Probably, and honestly, we expect within the next 10 days from today na maaprubahan ang abolition ng El Niño task force at creation ng team El Niño,” dagdag ni Tabel.

Show comments