409 na Pinoy matagumpay na nakalikas sa gulo ng Sudan

Philippine Ambassador to Egypt Ezzedin Tago and Vice Consul Bojer Capati assisted Filipinos crossing the border from Sudan to Egypt on April 27, 2023.
Twitter / Philippine Ambassador to Egypt Ezzedin Tago

MANILA, Philippines — Umabot na sa 409 Pilipino ang matagumpay na nakapag-evacuate mula sa kaguluhan ng Sudan, ito habang patuloy na nagkakabakbakan pa rin ang ilang paksyon ng militar na nagkudeta noong 2021.

Ang bilang na 'yan ay ang pinagsamang nailikas sa pamamagitan ng Filipino community, Department of Migrant Workers, Department of Foreign Affairs atbp. Ginamit ng mga nabanggit ang 72-hour truce ng mga naglalaban upang makalikas.

"Sa tulong ng pamahalaan, nailikas na ang 409 na Pilipinong naipit sa gulo na nangyayari ngayon sa Sudan, " wika ng Presidential Communications Office, Huwebes.

"Sa kabuuan, nasa 335 sa mga evacuees ay overseas Filipino workers (OFWs) kasama ang kanilang pamilya habang ang ilan sa mga natitirang bilang ay mga estudyante ng Islamic studies doon."

Patuloy naman daw nakikipagtulungan ang Armed Forces of the Philippines, DMW at DFA sa pagsasagawa ng repatriation program pauwi ng bansa.

Kabilang sa unang batch ng evacuees, na siyang inorganisa ng isang Nelson Alvarez, ang 35 overseas Filipino workers at 15 estudyante.

Sa kabila nito, 21 empleyado ng DAL company ang bigong makapasok ng Ehipto dahil sa kawalan ng visa.Sakay naman ng tatlong bussa pangunguna ng isang Bernard Comia ang nasa 135 OFWs at kanilang mga pamilya.

Galing silang Khartoum patungong Ehipto.Nasa 200 OFWs namanang pinangunahan ng isang Dione Cabale. Umalis sila ng Khartoumat fincilitate ng PE Cairo sa pamamagitan ni Hon. Consul Tariq.

Mahigit 50 OFWs namanang pinangunhan ni Leilanie Canlas na siyang naghihintay n lang ng repatriation."The AFP is coordinating with the DFA and DMWto accommodate them on the next buses leaving for Egypt, " dagdag pa ng PCO.

Ngayong linggo lang nang umabot n sa 459 ang namamatay sa kaguluhan, ayon sa World Health Organization. Hindi bababa sa 4,072 ang sugatan sa mga survivors.

Show comments