^

Bansa

Korte Suprema ipinagkait TRO vs SIM Registration law; gobyerno pinakokomento

Philstar.com
Korte Suprema ipinagkait TRO vs SIM Registration law; gobyerno pinakokomento
A vendor sells sim cards along the sidewalk of Balintawak Public Market in Quezon City on September 15, 2022.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Hindi ibinigay ng Supreme Court ang hiling ng ilang sektor na temporary restraining order (TRO) sa pagpapatupad ng kontrobersyal na SIM Registration act, bagay na gusto ring ipadeklarang "unconstitutional" ng mga progresibong petitioner.

Matatandaang pinangunahan ng National Union of Journalists of the Philippines ang panawagang maibasura ang batas sa dahilang yumuyurak daw ito sa apat na bahagi ng Bill of Rights ng 1987 Constitution.

"The Court, during in its en banc deliberations today denied the prayer to issue a temporary restraining order in the case entitled 'National Union of Journalists of the Philippines, Inc. et al. versus the National Telecommunications et al.," ani Brian Hosaka, tagapagsalita ng SC, sa isang press briefing.

"No number of votes [will be publicized for now]." 

Hindi naman gaano nagbigay ng paliwanag kung bakit denied ang TRO.

Gayunpaman, inuutusan ng Korte Suprema ang gobyerno na maghain ng komento sa petisyon 10 araw matapos matanggap ito.

Kasama sa mga inuutusan ng SC hinggil dito ang National Telecommunications Commission, National Privacy Commission, Department of Information and Communications Technology, Department of Trade and Industry, Department of the Interior and Local Government at Department of Education.

Itinuturing ding private respondents ang mga public telecommunication entities.

Una nang sinabi ng petitioners na nilalabag ng mandatory SIM registration ang:

  • freedom of speech
  • unreasonable searches and seizures
  • right to substantitve due process

Bagama't itinutulak ng gobyerno ang SIM registration laban sa mga krimeng ginagawa gamit ang mobile devices gaya ng scam texts, maraming nagpupuntong maaari itong magamit sa paniniktik (surveillance) atbp. Meron pa ring scam texts na natatanggap ang mga nakapagparehistro na sa ngayon.

Una nang kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na pinalawig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng 90 araw ang pagpaparehistro ng SIM cards ng publiko, bagay na dapat ay deadline na bukas, ika-26 ng Abril. Sa ilalim ng batas, pwede itong i-extend ng 120 araw.

Aprubado naman na rin ni Marcos Jr. ang nasabing pagpapalawig.

Kanina lang din nang sabihin ni Remulla na maaaring magkaroon ng "social media unavailability" o "limited access" lang ang mga mobile users na hindi makakapagparehistro matapos ang bagong petsa kung nakakabit ang mga accounts sa made-deactivate na numbers.

Wala kahit saan sa SIM Card Registration law ang pagkawala ng social media access sa mga hindi makakapagpa-register. — James Relativo at may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag

Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito

NATIONAL UNION OF JOURNALISTS OF THE PHILIPPINES

REGISTRATION

SIM CARD

SUPREME COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with