EDCA sites palalawakin pa – AFP
MANILA, Philippines — Posibleng palawakin o dagdagan pa ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa iba pang bahagi ng bansa upang matiyak ang seguridad ng Pilipinas.
Sinabi ito ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Colonel Medel Aguilar, kasabay ng pagsasagawa ng Balikatan exercise sa ilang lugar sa bansa.
Aniya, posible ang pagpapalawak ng EDCA site para sa proteksiyon ng territorial integrity at maritime resources ng Pilipinas.
“Ito po ay posible, palagay ko, kasi nga [I think this is possible because] what we want to protect, because we are an archipelagic country…if we are to protect our sovereignty and territorial integrity, including the protection of maritime resources that should be enjoyed by our people, we need 360-degree protection capability for the Armed Forces of the Philippines,” ani Aguilar.
Kabilang sa mga bagong EDCA sites ay Naval Base Camilo Osias sa Sta. Ana, Cagayan; Lal-lo Airport sa Lal-lo, Cagayan; Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela; at Balabac Island in Palawan habang mayroon na sa Antonio Bautista Air Base sa Palawan, Basa Air Base sa Pampanga, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Mactan-Benito Ebuen Air Base sa Cebu, at Lumbia Air Base sa Cagayan de Oro City.
Naniniwala si Aguilar na sumailalim sa masusing pagsasala at pag-aaral at base sa pangangailangan ng bansa ang mga bagong EDCA sites.
- Latest