PCSO Chair Cua tumanggap ng Red Cross Service Award

Si Cua ay pinarangalan sa ginanap na PRCs 33rd Biennal Convention na ginanap sa lungsod ng Maynila.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pinarangalan si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Junie Cua ng prestihiyosong Philippine Red Cross (PRC) Doña Aragon Award kamakailan.

Si Cua ay pinarangalan sa ginanap na PRCs 33rd Biennal Convention na ginanap sa lungsod ng Maynila.

Ayon sa PRC, ang award ay dahilan sa outstanding na kontribusyon at pagsusumikap ng Qurino Chapter na pinagmulan ni Cua na naging instrumento sa pag-deliver ng life-saving services sa komunidad na matinding naapektuhan ng kalamidad at iba pang mga emergencies.

“I am truly humbled by this recognition. Hindi tayo naglilingkod para makakuha ng award, ngunit nakakataba po ng puso ang ganitong pagkilala dahil ibig sabihin ay may impact ang ating mga effort,” mensahe ni Cua sa natanggap nitong award.

“This award gives me renewed vigor to tackle my new duties, which have a much greater scope. But our people can rest assured that I will continue to give my best efforts in serving them,” dagdag pa ng opisyal.

Samantalang nangako rin si Cua na pagbubutihin pa ang pagtatrabaho para makapaghatid ng serbisyo bilang PCSO Chairman na naglalayong maraming mga Pilipino ang mabigyang benepisyo sa programa.

“We want to make the PCSO synonymous not just to charity but also to service and reliability. Ang pangarap natin para sa PCSO, na adhikain din ni Pres. Ferdinand Marcos, Jr., ay maging kaagapay ng pamilyang Pilipino ang PCSO sa mga pangangailangan nila,” ayon kay Cua.

Show comments