Pangulong Marcos, Chinese Foreign Minister Qin Gang nagkausap na

MANILA, Philippines — Nagkausap na sa Malakanyang sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Chinese State Councilor at Foreign Minister Qin Gang kahapon.

Nasa bansa si Qin para sa 3 araw na official visit.

Wala pang inilalabas na pahayag ang Palasyo kung ano ang pinag-usapan nina Pangulong Marcos at Qin.

Una rito, nakausap ni Qin si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.

Ayon kay Manalo, hindi kabuuan ng relasyon ng China at Pilipinas ang usapin sa West Philippine Sea.

Ang hindi umano pagkakaunawaan sa West Philippine Sea ay hindi dapat na maging hadlang para epektibong mapakinabangan ang karapatan ng mga Filipinong mangingisda.

Sinabi naman ni Qin na handa ang China na ipa­tupad kung ano man ang magiging consensus ng dalawang bansa.

Show comments