1st, 2nd year nursing studes ‘wag munang isabak sa hospital duties

Former Manila Mayor Isko Moreno talks to nursing students during a visit to the Universidad de Manila on November 22, 2021.

MANILA, Philippines — Huwag munang isabak bilang nurse aides ang mga 1st at 2nd year nursing students sa mga pampublikong ospital sa bansa.

Ito ang mariing pahayag ni Barangay Health Wellness (BHW) Partylist Rep.Angelica Natasha Co, vice chairman ng Committee on Health na mariing tinutulan ang plano ng Deparment of Health (DOH) na gamitin ang mga 1st at 2nd year nursing students bilang mga nursing assistants.

Ayon kay Co, hindi pa handa ang mga ito para isabak sa mabigat na responsibilidad.

Sa kabila nito, maaari naman aniyang payagan ang mga nakapag-3rd year na at mga nursing graduates na hindi pa nakakapasa sa board exams.

Ipinaliwanag ni Co na hindi pa sapat ang kaalaman ng nursing students sa first year at second year dahil puro “general education” subjects pa lang ang napag-aaralan ng mga ito sa yugto ng kanilang pag-aaral.

“Only students already in third year could be deemed minimally familiar with the most basic nursing roles and responsibilities. But their confidence in doing any nursing work may be in doubt,” dagdag ni Co.

Show comments