Inflation rate bumababa na - NEDA
MANILA, Philippines — Nakikita na ng National Economic Development Authority (NEDA) ang pagbaba ng inflation rate ng bansa ngayong 2023.
Ito ang sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan sa press briefing sa Malakanyang kung saan tinanong siya kung may nakikitang pagluwag sa inflation rate ngayong taon.
Sinabi ni Balisacan na aktibo nilang mino-monitor ang sitwasyon at pagpapatupad ng kaukulang hakbang para ngayong katapusan ng taon ay maabot ang target na 4% o.5% inflation rate.
“We are on that downward trajectory…” ayon pa sa kalihim.
Sinabi naman ng Philippine Statistics Authority (PSA) na humupa ang inflation rate nitong March dahil sa mas mabagal na pagtaas ng presyo ng pagkain, transportasyon at utility sa nasabing panahon.
Ayon kay National Statistician and PSA chief Claire Dennis Mapa na ang inflation — rate ng pagtaas ng presyo ng goods at services — ay bumaba sa 7.6% nitong Marso kumpara sa 8.6% noong Pebrero, na nagdala sa year-to-date rate na 8.3%.
Subalit, mas mabilis pa rin ito sa 4% noong March 2022.
- Latest