MANILA, Philippines — Lumalabas na 17% lang ng mga Pilipino ang nag-aasam tumira sa ibang bansa, ito kahit na maraming problema ang bayan gaya ng mataas na inflation at mababang pasahod kumpara sa iba.
Ito ang ibinahagi ng Social Weather Stations sa kanilang survey, Miyerkules, habang sinusukat ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na may miyembrong overseas Filipino workers.
Related Stories
"Nearly [two] out of 10 adult Filipinos aspire to live abroad," wika ng survey firm sa isang pahayag kahapon.
Narito ang paghahati-hati mula sa pag-aaral ng SWS:
- gusto tumira abroad: 17%
- ayaw tumira abroad: 83%
Samantala, 7% naman ng mga adult Filipinos ang kasalukuyang naghahanap ng trabaho sa ibang bansa kumpara sa 93% na hindi.
"Canada (16%) is the most cited country where one aspired to work, followed by Saudi Arabia (12%), Kuwait (9%), United Arab Emirates (9%(, Japan (7%), Qatar (6%), and United States of America (6%)," sabi pa nila.
Lumalabas ngayong nasa 7% ng mga Filipino households ang merong OFW kumpara sa 93% na wala.
Sa mga kabahayang may miyembrong OFW na nasa ibayong dagat, narito ang itsura pagdating sa kanilang aktitud sa pagpapadala ng pera sa 'Pinas:
- madalas nagpapadala/nagbibigay ng pera: 75%
- minsan: 17%
- bihira: 5%
- hindi talaga: 3%
Disyembre 2022 lang nang iulat ng Philippine Statistics Authority na aabot sa 1.83 milyong Pinoy ang nagtratrabaho sa ngayon sa ibang bansa bilang OFWs noong 2021.
Nasa 96.4% sa kanila o 1.76 milyon ang sinasabing overseas contract workers o 'yung mga may existing work contracts na. Ang iba namang nagtrabaho sa ibang bansa ay walang working visa o work permit.
Ang ilan sa mga walang permit ay pumunta ng ibang bansa gamit ang mga tourist, visitor, student, medical atbp. non-immigrant visas kahit na full time nagtrabaho.
Sinasabing isa ang mga Filipino diaspora bilang isa sa pinakamalaki sa buong mundo.