Pinas sa China: ‘Di kami makikialam sa isyu ng Taiwan
MANILA, Philippines — Sa gitna ng akusasyon ng embahada ng China sa Pilipinas, iginiit ng National Security Council (NSC) na hindi makikialam ang bansa sa isyu ng Taiwan at iginiit na hindi ito nakasangla sa kahit saan pang bansa.
Ito ang sinabi ni NSC spokesman at Assistant Director General Jonathan Malaya sa gitna ng pahayag ni Chines Ambassador Huang Xilian na tutulan ng Pilipinas ang kalayaan ng Taiwan kung talagang iniisip nila ang kapakanan ng mahigit sa 150,000 OFWs doon.
Inakusahan din ng China ang Pilipinas na nakikialam sa kanilang rehiyon dahil sa pag-aalok sa Estados Unidos ng access sa ilang base militar.
Subalit giit ni Malaya, na ang pangunahing concern ngayon ng Pilipinas ay ang defense capability, pag-modernize sa mga kagamitan at assets, gayundin ang pag-develop sa ating mga infrastructure.
Paliwanag pa ng opisyal na patuloy na inoobserbahan ng Pilipinas ang “One China Policy” at mayroon lamang diplomatic sa naturang bansa.
Matatandaan na muling nagkaroon ng tensyon sa Taiwan matapos na bumisita doon si dating House Speaker Nancy Pelosi noong Agosto ng nakaraang taon.
Dahil dito kaya nagbanta ang China sa Estados Unidos na ang nasabing pagbisita ay nagdulot ng “serious harm” sa kanila at nagpadala ng maling mensahe.
- Latest