^

Bansa

WHO ‘di pa tiyak kung aalisin na ang COVID-19 bilang public health emergency

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
WHO ‘di pa tiyak kung aalisin na ang COVID-19 bilang public health emergency
Some commuters at the EDSA Carousel Nepa Q-Mart Station are seen wearing their face masks on March 29, 2023.
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Hind pa makumpirma ng World Health Organization (WHO) kung aalisin na ang international State of Public Health Emergency of International Concern (PHEIC) para sa Covid-19 sa susunod na buwan.

Ito’y dahil sa Mayo pa nakatakdang magpulong ang International Health Regulations Emergency Committee for Covid-19 upang talakayin ang posibilidad ng pag-alis na ng PHEIC, na idineklara noong Enero 2020.

Sinabi ni Dr. Babatunde Olowokure, WHO Western Pacific regional health emergency director, na tatlong taon mula sa deklarasyon ng PHEIC, ang mundo ay nasa mahusay nang lagay kaysa dati na may mas kaunting pagkamatay na naiulat mula sa sakit.

Gayunman, kailangan pa rin mapanatili ang pagbabantay dahil mayroon pa ring malaking presensya ng virus na nagdudulot ng pagtaas ng kaso at epidemya.

Anya, hindi pa handa ang WHO na gumawa ng rekomendasyon kung itutuloy o itataas ang PHEIC.

Sinabi rin ni Olowokure na ang transmission, severity in terms of hospitalization, ang epekto nito at mga bagong variant ay maaari ring makaapekto sa pagpapasiya ng PHEIC.

Nitong Miyerkules, sinabi ni DOH Officer in Charge Maria Rosario Vergeire na aalisin lamang ng Pilipinas ang sarili nitong PHEIC kung magiging handa at palalakasin ang health care system nito.

HEALTH

WHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with