Speech ni Japan Prime Minister Kishida hinagisan ng smoke bomb

MANILA, Philippines — Hindi nasaktan at agad na nailikas si Japan Prime Minister Fumio Kishida matapos hagisan ng isang smoke bomb ang lugar kung saan magbibigay sana siya ng isang maikling talumpati ayon sa ulat ng Kyodo News.

Ang insidente sa Waka­yama ay nangyari wala pang isang taon matapos ang pagpatay sa dating punong ministro na si Shinzo Abe, na nagdulot ng trauma sa bansa.

Ayon sa ulat, agad na umalis si Kishida sakay ng kotse pagkatapos ng insidente, na naganap habang nakikipag-usap siya sa isang kandidato ng Liberal Democratic Party bago ang kanyang nakatakdang talumpati sa isang fishing port sa lungsod ng Wakayama.

Ayon sa investigative sources, si Ryuji Kimura, isang 24-anyos na lalaki mula sa Hyogo Prefecture, ay agad naaresto sa lugar.

Ayon pa sa ulat, agad na sinamahan si Kishida ng mga security police officers sa isang kotse na nakaparada isang dosenang metro lang ang layo at dinala sa punong tanggapan ng Wakayama prefectural police.

Matatandaan na ang dating Punong Ministro ng Japan na si Shinzo Abe ay binaril noong Hulyo noong nakaraang taon habang nagtatalumpati sa lungsod ng Nara bago ang halalan ng House of Councillors.

Show comments