MANILA, Philippines — Nakapagtala ng 43.47% passing rate ang nakaraang 2022 Bar Examinations na mas mababa sa naitala noong nakaraang taon, ayon sa Supreme Court.
Nasa 3,992 sa 9,183 bar takers ang pumasa, na mas mababa sa 72.28% na pumasa noong 2021 Bar exams.
Nagmula sa University of the Philippines ang Top 5 examinees, mula sa University of San Carlos ang Top 6, mula sa San Beda Alabang ang Top 7, habang inokupahan ng Ateneo De Manila University ang Top 8, 9 at 10.
Simabi ni Bar Chair Justice Alfredo Benjamin Caguioa na ang oath-taking ceremony para sa mga nakapasa ay gaganapin sa Mayo 2 sa Philippine International Convention Center.
Para naman sa hindi pinalad, huwag anyang panghinaan ng loob dahil hindi natitimbang ng pagkabigo sa Bar exam ang kanilang totoong halaga.